Pristine Christine Church & Missions

(Last Updated: October 26, 2009)

Practices

Ipinapakilala ang Aquarian Gospel kung saan inihayag na ang tao ay may kapangyarihang makamit ang lahat ng naisin.

 

Ang tao ay may kapangyarihan na gawin ang lahat ng nais nyang gawin.     - AG 59:3

Lahat ng kalikasa'y sumusunod sa nais ng tao, at ang taong masama, pati ang mabuti'y taglay lahat ang kapangyarihan ng isip, at pwedeng kontrolin ang mga elemento. - AG 73:20

At si Jesus na ang diwa'y makapangyarihan ay hinalo ang kalawakan hanggang marating ang kalagayang makapagpahayag, at, lo, namula ang tubig, at ito'y naging alak. - AG 70:13

 

Ipinapakilala ang Aquarian Gospel kung saan inihayag na ang tao ay may kapangyarihang makamit ang lahat ng naisin.

Ipinapaalam na ang tao ay dapat walang subconscious program ng paghihirap (suffering). Bagkos, ipinapaalam na ang buhay sa lupa ay dapat puno ang sigla, kasaganaan, karangyaan, tagumpay at kapayapaan.

Ipinapakilala na ang practice ng meditation na scientific ay isang mistikal practice ni Jesis na itinuro nya sa kanyang inner circle, at ipinapatupad ng Pristine Christine Church.

ipinapakilala sa mga naghahanap (SEEKERS) na kung magpraktis ka lamang, mababago mo ang iyong buhay, magkakaroon ka ng kapangyarihang baguhin ang iyong kamalayan.

 

 

Ang mga praktis ng mga Pristine Christine ay ang mga sumusunod:

 

*MEDITATION ON THE HEART (ang Christ Center). Ang katawan ng tao ang temple of the holy spirit. At sa ating puso nakabaon ang kingdom of heaven on Earth.

*PRAKTIS NG THANK YOU CONSCIOUSNESS. Ang lahat mh pangyayari sa atin ay binubuo ng grasya at karma. Ang lahat ng ito ay enerhiya. hangga't di tayo natututong magpasalamat sa mga natanggap nating grasya at karma, impit ang pagdaloy ng mas maraming grasya sa ating buhay.

*PRAKTIS NG PRESENCE OF GOD. Kung nakikita lamang natin ang Diyos sa lahat ng bagay, lahat ng dusa ay mapapalitan ng saya.

*PRAKTIS NG PAGIGING GIVER. Ang bawat akto ng pagbibigay ay nag-uudyok ng panibagong cycle of Abundance. Nasa akto ng final test kung kayang isakatuparan ang mga ideals.

*PRAKTIS NG TEKNIK NG MENTAL CREATION. Tayo ang co-creator ng ating mundo. Ang laman ng ating kamalayan (thoughts, words, feelings & actions) ang syang nag-uukit ng ating ginagalawang buhay.

*PRAKTIS NG "CONCERTED RADIATION". Ang sabay-sabay na pagdama ng positibong pakiramdam na babalot sa buong mundo at lilipol sa mga negatibong mga pang-yayari. Mauunawaan ito kapag inisip na ang lahat ng bagay ay bigkis ng enerhiya na maaaring magbago ng vibrations per second.

 

Ang mga praktis na ito ay may kakayahang tumunaw ng mga negatibong karma. Ang mga kalamidad katulad ng lindol, bagyo, tsunami, tag-gutom, away, giyera atbp. ay resulta ng mga negatibong thought forms. At positibong thought forms din ang magnu-neutralize ng mga ito. Ang personal praktis ng mga nabanggit sa itaas ang siyang pinakamabilis na makapagbabalik ng kaayusan, saya, kaunlaran at tagumpay sa tao.

 

           

Welcome

Upcoming Events

No upcoming events

Guestbook

Community & Groups - Top Blogs Philippines

Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free)